Eyeglass Subsidy

Eyeglass Subsidy

Nitong nakaraan ay nagpasalamin na po ako sa mata dahil matagal na pong malabo ang aking paningin. Noong ako ay wala pa po sa Pandayan, hindi po talaga ako makapagpasalamin dahil ako po ay namamahalan dito. Noong ako po ay na-regular, nalaman ko po na mayroon pong benepisyo ang Pandayan na “Eyeglass Subsidy.” Nagtanong po ako sa aking mga Kapwa regular kung paano makakuha ng ganitong benepisyo. Nagtungo po ako sa optical clinic upang malaman ang presyo ng kanilang salamin. Sinukatan po nila ako ng grado at napag-alaman ko po na mataas po ang aking astigmatism. Dahilan din po ito kung bakit nahihirapan po ako sa maliwanag at maiilaw na lugar at madalas po sumakit ang aking ulo at mata. Napagkakamalan din po akong suplada dahil di ko po kita ang mukha ng mga tao. Nakikilala ko lamang po kapag sobrang lapit na nito. Nang makuha ko na po ang salamin ay akin po agad itong isinuot at hindi po mawala ang ngiti ko sa labi dahil luminaw po ang aking paningin. Nagpasa po ako kay Nurse Yuuri ng scanned picture ng S.I at Medical Certificate nito at ilang saglit lamang po ay mayroon na po agad itong PCV.
Bilang isang bagong regular po ay lubos po ang aking saya at pasasalamat sa Pandayan dahil marami na pong naitutulong sa akin ang Pandayan hindi lamang po sa materyal na bagay kundi pati na rin po sa kaalaman, aral, at maayos na mentalidad.